Ano Ang Kahulugan Ng Pamamalat

Ano ang kahulugan ng pamamalat

Ang kasingkahulugan ng pamamalat ay pamamaos, pamamagaw at garagal ng tinig. Ang ibig sabihin nito ay ang unti-unting pagkawala ng tinig dahil sa pagkakaroon ng trangkaso at sa sobrang kapaguran. Maging lumala ito kung di kaagad maaagapan ng mabisang panglunas na gamot.

Nasa di magandang mood ang taong nagkakaroon nito dahil nakakawala ito ng ganang makipag-usap. Subalit ay di naman ito hadlang sa pakikipag-usap ng di pangmatagalan. Kung magkakaroon ng pamamalat ay maaring sumangguni kaagad sa may alam upang maagapan kaagad. Ano-anu nga ba ang mabisang panlunas ng pamamalat?

Mga talaan ng mabisang panglunas:

  • Maglaga ng luya at gawing kape ang katas nito mula sa nilaga, maaring lagyan ito ng kaunting asukal upang di gaanong maanghang.
  • Ang oregano ay isa din sa pinakamabisang panglunas nito, pwedeng din itong ilaga katulad ng luya o kayay pwede itong dikdikin at ilagay sa isang kutsara o baso ang katas nito. Mas mabisang inumin ito bago pa matulog o kayay bago kumain.
  • May mga gamot din sa botika na maaring makatulong katulad na lamang ng strepsils at ginger candy.
  • Maging ang mga maaanghang na pamahid katulad ng vicks vapor rub, mga ointment at liniment ay pwede rin nito.
  • Maaari ding kumain ng candy na maanghang dahil nakakatulong din ito.
  • Iwasan ang sobrang pagkain ng matatamis, sobrang alat at mga malalamig.

Ang pamamalat ay hindi gaanong nakakaapekto sa tao kung ito ay maaagapan lang kaagad. Pero paglumala na ito ay pwede ring magkakaroon ang tao ng problema sa lalamunan na maging sanhi ng pagkawala ng boses nito.

 


Comments

Popular posts from this blog

Aral Sa Kabanata 33 Ng El Filebustiresmo