Ano Ang Kahulugan Ng Pamamalat
Ano ang kahulugan ng pamamalat Ang kasingkahulugan ng pamamalat ay pamamaos, pamamagaw at garagal ng tinig . Ang ibig sabihin nito ay ang unti-unting pagkawala ng tinig dahil sa pagkakaroon ng trangkaso at sa sobrang kapaguran. Maging lumala ito kung di kaagad maaagapan ng mabisang panglunas na gamot. Nasa di magandang mood ang taong nagkakaroon nito dahil nakakawala ito ng ganang makipag-usap. Subalit ay di naman ito hadlang sa pakikipag-usap ng di pangmatagalan. Kung magkakaroon ng pamamalat ay maaring sumangguni kaagad sa may alam upang maagapan kaagad. Ano-anu nga ba ang mabisang panlunas ng pamamalat? Mga talaan ng mabisang panglunas: Maglaga ng luya at gawing kape ang katas nito mula sa nilaga, maaring lagyan ito ng kaunting asukal upang di gaanong maanghang. Ang oregano ay isa din sa pinakamabisang panglunas nito, pwedeng din itong ilaga katulad ng luya o kayay pwede itong dikdikin at ilagay sa isang kutsara o baso ang katas nito. Mas mabisang inumin ito bago pa matulog...