Ano Ang Kahalagahan Ng Pagtutugma Sa Mga Persona Na Salik Sa Mga Pangangailangan Sa Napilung Kursong Akademiko
ano ang kahalagahan ng pagtutugma sa mga persona na salik sa mga pangangailangan sa napilung kursong akademiko
Ang pagpili ng kursong akademiko ay isang pagpapasiya na maaaring magdulot ng pagbabago sa iyong kinabukasan. Kaya nitong impluwensyahang ang iyong magiging katayuan sa lipunan kapag ikaw ay isa nang adulto. Ito na din marahil ang magiging buhay mo. Kaya ang tanong, tugma ba ang iyong personal na mga salik sa iyong napiling kurso?
Bakit ba mahalaga ang tanong na ito. Dahil ang iyong personal na mga hilig, motibo, talento o mga pananaw ay mayroong napakalaking impluwensya upang mapasulong ang iyong pagkilos habang inaabot ang kursong iyong napili.
Kaya ano ang mangyayari kung sakaling salungat sa iyong pananampalataya ang iyong kurso? Paano kung nangangailangan ng higit na atensyon ang kursong iyon kaysa sa kakayahang naibibigay ng oras dito? Paano na lamang kung ang hilig mo ay malayung-malayo sa mga ginagawa mo?
Mas mainam kung maglalaan muna ang isa ng pagsusuri sa kaniyang sarili upang makita ung saan nakalinya ang kaniyang talento o interes. Mula doon, madali niyang makikita ano ang mga kursong babagay sa kaniya at magpapasulong pa sa kaniya. Sa kabilang banda, baka nakapili ka na bago mo pa lubusang nauunawaan ang mga personal na salik na ito at wala ng pagkakataong magpalit.
Huwag madismaya. Dahil ang mga katangiang gaya ng pagtitiyaga, disiplina sa sarili, time management at kasipagan ay parehong kailangan sa lahat ng mga kursong makukuha mo.
Masaya talagang lakbayin ang mga kursong akademiko. Magbibigay ito sa isa ng mas mataas na pananaw sa mga gawain kapag ikaw na mismo ang nasa sektor ng gawain sa lipunan.
Comments
Post a Comment